Impromptu

daily dose of life

LP: Tamad

October8

Kapag ganito ang lugar…parang nakakatamad kumilos. Mas masarap na lang humilata, uminom ng juice at sabay sabihing “aaahhh…this is the life”

laiya7

laiya6

Kuha ito sa Acuatico Resort sa Laiya Batangas. Napakalakas ng ulan nung kami’y dumating pero nag-”swimming” pa rin kami ng aking mga kaibigan at nung hindi tumila ang ulan…pinalipas namin ang oras sa bidyoke, kainan, kwentuhan at inuman.

At siya namang pagsikat ng araw kinabukasan! Sa kapaguran namin nung nakaraang gabi ay tinamad akong bumangon agad…kaso naisip ko heto na ang araw…kailangang samantalahin. Kaya bumaba na ako mula sa aming cottage…ang siste…ako lang ang sinipag. Ang barkada ko ay puro nasa kanilang mga kama at tamad pang magsibangon.

LP: Tanghalian

August12
grilled chicken pasta with wild mushrooms

grilled chicken pasta with wild mushrooms

Grilled Chicken Pasta with Wild Mushrooms…
Ito ang isa sa mga alam kong lutuin…at kinain namin ito bilang tanghalian nung minsang nagkatipontipon kaming magkakaibigan sa bahay ni Paula.

Unang beses ko silang pinagluto at alam kong sanay silang kumain ng masasarap kaya medyo ninerbyos ako nung niluluto ko sha…tagumpay naman dahil nagustuhan nila ang aking luto.

Ang iba kong kaibigan ay nakibahagi din sa pagluluto…si Erika ay nag-prito ng patatas

french fries

french fries


lei1

Si Arl naman ay nag-toast ng Garlic bread

garlic bread

garlic bread

at si Paula naman ay nagbake ng Manok sa oven (ahahaha pasensha na nakalimutan ko kung anong tawag dun)
lei3

Masaya ang tanghaliang ito na umabot na halos sa merienda ahahaha chikahan kasi ng chickahan
lei11
lei15
kitang kita sa aming mga ngiti ang saya nung araw na iyon.

Hanggang sa susunod at marami pang tanghalian, hapunan, merienda, at almusal mga kaibigan!!!!

LP: Blouse/Polo

March12

Sa aming sambahayan kung tatanungin kung sino ang may pinaka-maraming damit marahil isang pangalan lang ang isasagot namin sa inyo–ang aking Kuya Garry.

Mayroon siyang 3 malalawak at malalaking cabinet na totoo namang punong-puno ng kanyang mga kasuotan.

Heto ang isang larawan sa walk-in closet namin sa baba ng bahay…share ko lang din-ang nanay ko ang tawag nya sa mga polo ng kuya ko ay blouse at sa mga toy collectibles nya naman ay manyika ahahahaha

kuya's polo

LP: Puso (o hugis-puso)

February12
i heart you

i heart you

Ito ay kuha noong November 8, 2008 sa New World Renaissance Hotel. Wedding Reception nang isa sa aking matalik na kaibigan. Puso…natataong lahok para sa darating na Valentine’s Day.

Happy Lp sa lahat at advance Happy V Day!!!

Litratong Pinoy: KAHEL

January22

Kaninang Hapon habang ako’y nag-go-grocery napansin kong marami palang produktong gumagamit ng kulay na Kahel para sa “packaging” ng mga ito.

Tang Orange

Tang Orange

Sodas

Sodas

towels

towels

DORA the explorer toothpaste

DORA the explorer toothpaste

cheese curls

cheese curls

[caption id="attachment_58" align="aligncenter" width="225" caption="piknik"]piknik[/caption]
dipper

dipper

slippers

slippers

ang dating isang oras kong pamamalagi para mag-grocery ay umabot sa 2 1/2 oras sa dami ng kinunan kong litrato… pero shempre namili na lang ako ng mga ipo-post dito sa aking blog.

HaPpY Hwebes mga kapwa ka-LP!!!

Litratong Pinoy-ASUL

January15

ulap

Kuha sa labas ng Bahay ng isang Paring binisita namin noon sa Vigan.

Noong bata-bata (naks…me ganun) pa ako, madalas akong tumingala sa langit at nagha-hanap ng mga anyo na nabubuo sa ulap. Sabi nila ang nakikita mong larawan ay depende sa ina-asahan mong makita o sa iyong kaisipan.

Madalas ang mga nakikita ko ay mga hugis ng dragon, aso, tao ngunit ang pinaka-gusto ko sa lahat ay kapag nakaka-kita ako ng hugis ng mukha ng Panginoong Hesus.