LP: Tanghalian

grilled chicken pasta with wild mushrooms
Grilled Chicken Pasta with Wild Mushrooms…
Ito ang isa sa mga alam kong lutuin…at kinain namin ito bilang tanghalian nung minsang nagkatipontipon kaming magkakaibigan sa bahay ni Paula.
Unang beses ko silang pinagluto at alam kong sanay silang kumain ng masasarap kaya medyo ninerbyos ako nung niluluto ko sha…tagumpay naman dahil nagustuhan nila ang aking luto.
Ang iba kong kaibigan ay nakibahagi din sa pagluluto…si Erika ay nag-prito ng patatas

french fries
Si Arl naman ay nag-toast ng Garlic bread

garlic bread
at si Paula naman ay nagbake ng Manok sa oven (ahahaha pasensha na nakalimutan ko kung anong tawag dun)

Masaya ang tanghaliang ito na umabot na halos sa merienda ahahaha chikahan kasi ng chickahan


kitang kita sa aming mga ngiti ang saya nung araw na iyon.
Hanggang sa susunod at marami pang tanghalian, hapunan, merienda, at almusal mga kaibigan!!!!
hahahaha!!!! naaalala ko itong araw na ito!!!! those were the days!!!!
happy LP missy!!!! see you soon!!! MISS u!!!!!!
wow pasta mahilig ako dyan. ang sarap naman.
maligayang LP
Talagang mas masarap ang kainan kapag kasama ang mga kaibigan.
Ito naman ang lahok ko: http://tanjuakiohome.blogspot.com/2009/08/lp-almusal-at-tanghalian-breakfast.html
Magandang araw!
sarap naman nung garlic bread…at mas masarap kumain pag may kasalo gaya ng ginawa ninyo!
nakakadagdag ng saya ang pagkain lalo na pag kasabay ang mga kaibigan