Widmung(dedication)
Itong awiting ito ni Noel Cabangon ang isa sa mga awit ng pag-ibig na totoong pumukaw ng aking damdamin. Biruin mo naman…narinig ko lang ang ilang parte nito sa isang interview sa tv –at sobra naman akong natuwa, naaliw, namangha.
Dali-dali akong pumunta sa Tower Records nung sumunod na araw para makabili ng tape. Oo uso pa ang tape nun.
Para sa inyo ito…
Dahil Nariyan Ka
by Noel Cabangon
Ang aking puso’y puno ng tuwa dahil nariyan ka
At ang bawat tibok nito’y may kakaibang nadarama
Kay tagal kong naghintay, ngayo’y di na muling mawawalay
Ang lubos na ligaya na nadarama ay dahil nariyan ka
Ang aking mundo’y biglang sumigla dahil nariyan ka
At ang simoy ng hangin ay may pag-asang dala-dala
Ang mga bituin sa langit ay liwanag na nagsasanib
Ang lubos na pag-ibig na nadarama ay dahil nariyan ka
Ang bawat likha sa paligid
Ay tila umaayon sa ‘ting pag-ibig
Parang langit
Parang walang hanggang panaginip
May [likas] sa aking mga mata dahil nariyan ka
Ang bawat sandaling kapiling ka’y anong saya
Kay tagal kong naghintay, ngayo’y di na muling mawawalay
Ang lubos na pag-ibig na nadarama ay dahil nariyan ka
Ang bawat likha sa paligid
Ay tila umaayon sa ‘ting pag-ibig
Parang langit
Parang walang hanggang panaginip
Dahil nariyan ka…